-- Advertisements --

Tinalo ng Gilas Pilipinas ang Latvia sa sariling court nila 89-80 sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Dominado na Gilas ang laro mula first quarter hanggang last quarter kung saan hindi pinalamang ang World Number 6 na Latvia sa kanilang court na ginanap sa Riga Arena nitong madaling araw ng Huwebes sa Pilipinas.

Umabot pa sa 26 points ang lamang ng Gilas hanggang napababa ito ng Latvia sa 10 points sa huling minuto ng last quarter.

Itinuturing na isang kasaysayan ang panalo ng Gilas dahil sa bukod sa ranked number 6 ang Latvia ay sila pa ang pang- fifth placer sa FIBA Basketball World Cup noong nakaraang taon na ginanap sa bansa.

Nanguna sa panalo ng Gilas si Justin Brownlee na nagtala ng 26 points, siyam na rebounds at siyam na assists.

Susunod na makakaharap nila ang Georgia sa oras ng 8:30 ng gabi nitong Huwebes sa Pilipinas kung saan kapag manalo sila ay pasok na sila sa semfinals.

Nitong nakaraang araw ay tinalo ng Latvia ang Georgia 83-55.