-- Advertisements --

Bumawi ang New Zealand laban sa Gilas Pilipinas matapos magpakita ng napakagandang laro at tinalo ang Pilipinas sa 87-70, kaya’t pasok na ang team sa Group B para sa pagtatapos ng kanilang laban sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers nitong Linggo na ginanap sa Spark Arena, New Zealand.

Maaalalang nakapagtala ang Tall Blacks nang kanilang kauna-unahang pagkatalo laban sa Pilipinas sa FIBA noong Nobyembre 2024, sumablit pursigido ito mula sa umpisa at hindi na nagpatalo pa at nakakuha ng 5-1 na record.

Sa kabilang banda, nagtapos ang Gilas Pilipinas ng magkasunod na pagkatalo, 4-2, ngunit tiyak na makakapasok sa tournament proper sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.

Umarangkada ang New Zealand, kung saan sumaluksok ang mga malalayong tira nina Toho Smith-Milner at Jordan Ngatai, na nakapag ambag ng anim na three-pointers sa unang kwarter pa lang ng laro. Sa pagtatapos ng unang quarter, lamang na ang Tall Blacks, 30-15.

Hindi naman nagpabangko ang Gilas na pinangunahan nina Calvin Oftana at Carl Tamayo, na nagpaiksi ng lamang sa sa kalaban ng walong puntos, 37-29. Subalit, mabilis na nakabawi ang New Zealand sa pamamagitan ng isang 16-4 run, at nagtapos ang unang quarter na may malaking lamang, 53-33, matapos makapagtala ng tatlong sunod na three-pointers ang Tall Blacks.

Bagamat sinikap ng Gilas na makaambag sa second quarter, hindi nila nakayanang habulin pa ang malupit na opensa ng New Zealand.