-- Advertisements --

Pinayagan na ang Gilas Pilipinas na magsagawa ng training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na binubuo ito ng mga full-time Gilas Pilipinas players na pinili ng SBP mula 2019 at 2021 PBA Rookie drafts ang kabilang sa training camps.

Kinabibilangan ito naina Rey Suerte, Mike at Matt Nieto, Isaac Go ng batch 2019, William Navarro, Jaydee Tungcab, Jordan Heading at Tzaddy Rangel mula sa batch 2021.

Inaasahan din na makakasama si Ateneo center Ange Kouame, SJ Belangel, RJ Abarrienteso, Carl Tamayo, Jason Credo, Geo Chiu at Lebron Lopez.

Una ng nagsagawa ng training ang Gilas noong Enero para sa FIBA Asia Cup qualifiers subalit natigil ito ng ipagpaliban ang tournament.

Isinagawa muli ang training noong Marso subalit natigil muli ng magpatupad ang gobyerno ng paghihigpit ng quarantine protocols.

Pinaghahandaan ngayon ng Gilas Pilipinas ang FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na magsisimula sa Hunyo 16 hanggang 20 sa Clark, Pampanga ganun dina ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia mula June 29 hanggang July 4.