Nabigo ang Gilas Pilipinas sa powerhouse team na Serbia, 76-83, sa nagpapatuloy na FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) na ginaganap sa Belgrade, Serbia.
Mula sa simula ng laro ay nakipagsabayan ang Gilas sa Serbia na mayroong mga NBA players sa pamumuno ni Dallas Mavericks Boban Marjanovic.
Hindi gaanong nakalayo ang kalamangan ng Serbia kung saan tumabla pa sa score ang Gilas sa ikatlong quarter.
Nasayang naman ang nagawang 17 points, pitong rebounds at tatlong blocks ni Ange Kouame habang mayroong 13 points si Jordan Heading.
Unang tinalo ng Serbia ang Dominican Republic 94-76 sa Group A na tiyak na ang puwesto sa semifinals kasama ang Italy, Puerto Rico at Sengal sa Group B.
Susunod naman na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic bukas ng madaling araw.
Kailangan na manalo ng mga Pinoy upang umusad sa semifinals.