-- Advertisements --

Plano ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na magpasok pa ng isang naturalized player kapag tuluyan ng hindi makakasali si Kai Sotto sa main draw ng 2023 FIBA World Cup.

Kasunod ito sa masaklap na pagkatalo ng national basketball team kontra Jordan sa score na 91-90 na ginanap sa Philippine Arena nitong Lunes.

Aminado si Reyes na may ilang mga nakalinya para maging naturalized players gaya ni Ange Kouame o kahit na isa pang may tangkad na 6-10 o 6-11.

Hindi na aniya nila inaasahan na makasali pa si Sotto sa Gilas dahil ito ay nakapirma na ng kontrata sa Japan Basketball League.

Dagdag ni Reyes na kailangan ng may katuwang si Justin Brownlee para sa pagharap nila sa mga malalaking koponan sa FIBA World Cup.

Magugunitang magsisimula ang FIBA World Cup sa Agosto kung saan isa ang Pilipinas sa host kasama ang Japan at Indonesia.