-- Advertisements --

Nanguna sina Justin Brownlee, June Mar Fajardo, Scottie Thompson at Japeth Aguilar sa mga manlalaro ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Ang nasabing mga manlalaro ay siyang pangunahing binanggit ng bagong coach ng Gilas na si Tim Cone.

Dagdag pa nito na bago ang kanilang ensayo sa araw ng Lunes ay magkakaroon na ng linaw kung sinu-sino ang mga manlalaro na makakasama sa national basketball team ng bansa.

Ikinokonsidera nito ang mga naglaro sa 2023 FIBA World Cup ganun ang mga bigong hindi nakasama sa listahan ng Gilas sa World Cup.

Ibinunyag din ni Cone na mayroon itong nakuhang blessings sa dating Gilas coach Chot Reyes bago ito tuluyang bumaba sa puwesto.