Puspusan ang ginagawang pakikipagpulong ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa PBA para mabuo nila ang mga plano sa paparating na mga torneo na kanilang sasalihan.
Ilan sa mga ito ay ang ng Southeast Asian (SEA) Games sa Mayo, World Cup Qualifiers sa Hunyo, FIBA Asia Cup sa Hulyo, Asian Games sa Setyembre at isa pang World Cup Qualifiers noong Nobyembre at Pebrero 2023.
Balak kasi ni Reyes na mabuo ang 30-man team na mula sa pinaghalong collegiate teams at PBA.
Kasama ni Reyes si Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio ay nakipagpulong na sila kay PBA commissioner Willie Marcial at ipinaalam nila ang plano ng Gilas.
Inilatag ni Reyes ang nasabing posibilidad na pawang mga PBA players ang isasabak sa SEA Games dahil sa hindi pa natatapos ang mga laro sa UAAP.