-- Advertisements --

Naging maganda ang pagsisimula ng Gilas Pilipinas ng kanilang training camp para sa third window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Nitong Martes, ay nagsimula ang kanilang pagsasanay sa Inspire Sports Academy sa Laguna.

Kabilang sa pinaghahandaan ng national basketball team ay ang exhibition games nila sa Doha, Qatar.

Ilan sa mga dumalo sa nasabing ensayo ay sina Dwight Ramos, AJ Edu, RJ Abarrientos, Ralph Cu, Carl Tamayo, Kevin Quiambao.

Kasama rin na dumalo ay sina assistant coaches Sean Chambers at Richard Del Rosario ganun din si Alfrancis Chua.

Sa araw ng Biyernes magsismula ang friendly games habang sa Pebrero 20 ay makakaharap nila ang Chinese Taipei habang ang New Zealand naman ay sa Pebrero 23.

Magugunitang tiyak na ang pagpasok ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto matapos na makamit ang 4-0 win-loss record sa Group B.