-- Advertisements --

Sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang kanilang close-door training para sa unang window ng 2025 FIBA Asia Cup qualifiers sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na nanguna si coach Tim Cone, at mga manlalaro na sina Justin Brownlee, Kai Sotto, Dwight Ramos, Chris Newsome, Kevin Quiambao, Jamie Malonzo, Calvin Oftana and Carl Tamayo para sa kickoff practice.

Una ng sinabi ni Cone na nais niyang hindi baguhin ang lineup ng Gilas hanggang sa apat na taon para makabisado nila ang laro ng isa’t-isa.

Mayroong dalawang laro ang Gilas na una ay makakaharap nila ang Hong Kong sa Pebrero 22 ng alas-8 ng gabi oras sa Pilipinas at pangalawa ay laban sa Chinese Taipei sa Pebrero 25 sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig ng dakong 7:30 ng gabi.