-- Advertisements --

Sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang kanilang ensayo bilang paghahanda sa first window ng 2023 FIBA World Cup Qualifiers na gaganapin mula Pebrero 21 hanggang 28.

Nagsagawa ng mga magagaan na training ang basketball national team sa Moro Lorenzo Sports Center sa Quezon City.

Mayroong 16 na manlalaro ang dumalo at hinati sila sa dalawa para maobserbahan ang social distancing.

Makakaharap ng Gilas sa Group A ang New Zealand, South Korea at India.

Sa nasabing grouping ay dalawang beses nilang makakaharap ang South Korea na susundan ng India at New Zealand.

Gaganapin sa bansa ang first window ng qualifiers kung saan hindi pa binangit ng Samahang Basketball ng Pilipinas kung saan ito gaganapin.