-- Advertisements --

Magsisimula na ngayong araw ang puspusang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa gaganaping ikalawang window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.

Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na mananatili muna ang mga Gilas Pilipinas sa kanilang training camp sa Calamba, Laguna.

Dahil sa limitadong oras ng ensayo ay nagpasya ang mga ito na hindi muna gawin ang public practice gaya ng nakagawian.

Dagdag pa ni Cone na hindi sapat ang kanilang oras kaya gugugulin muna nila ang mga nalalabing panahon sa matinding ensayo.

Maaring maimbitahan muna nila ng isang koponan sa PBA para makalaro ng Gilas squad bago ang laban nila sa susunod na linggo.

Ang ranked 34 na Gilas Pilipinas ay makakaharap ang ranked 22 na New Zealand sa darating na Nobyembre 21 habang sa Nobyembre 24 naman ay makakaharap nila ang ranked 117 na Hong Kong na gaganapin sa MOA Arena.