Isa-isa ng dumarating sa bansa ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na FIBA Asia Cup sa darating na linggo.
Mula kasi sa mga liga nilang sinalihan sa ibang bansa ay nasa bansa sina Kai Sotto at guard na si Dwight Ramos habang inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay darating sina AJ Edu at Carl Tamayo.
Sinabi ni Gilas team manager Richard Del Rosario, na darating ngayong araw si AJ habang si Carl ay sa a-kinse.
Agad na didiretso si Tamayo sa Inspire Sports Academy sa Laguna kung saan magsisimula sa araw ng Biyernes ang kanilang training camp.
Sa nasabing apat na manlalaro ay tanging si Edu ang maglalaro sa pamumuno ni head coach Tim Cone.
Unang makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa Nobyembre 21 sa Mall of Asia Arena at susundan ng Hong Kong sa Nobyembre 24.