Natapos na ang automatic spot ng Gilas Pilipinas para makasali sa 2020 Tokyo Olympics matapos na talunin ng China ang Korea, 77-73 sa patuloy na FIBA Basketball World Cup sa Guangzhou.
Nakuha kasi ng host country China ang pangalawang panalo sa apat na laro at napunan ang automatic spot for Asia sa Tokyo Olympics.
Kailangan lamang na maipanalo ng China ang laban nila ng Nigeria sa Linggo para sa automatic Olympic spot.
Maaring maagaw ng Iran ang Olympic slot sa China kapag matatalo nila ang Gilas Pilipinas at matalo naman ang China sa Nigeria.
Bagamat talo ay may tsansa pa ang Gilas Pilipinas na makapasok sa Olympic sa pamamagitan naman ito ng Olymic Qualifying Tournament (OQT) sa Hunmyo ng susunod na taon.
Ang susunod kasing best 16 teams sa FIBA World Cup ay makakasama ang walong wildcard teams sa OQT para paglabanan naman ang final four spot sa Olympics.