Nalusutan ng Gilas Pilipinas ang host country na Qatar 74-71 sa pagsisimula ng friendly games sa Doha International Cup nitong madaling araw ng Sabado.
Hinabol ng Gilas ang 11 points na kalamangan ng Qatar 60-49 sa third quarter hanggang maipasok ni June Mar Fajardo ang kaniyang free throws at ito ay napababa sa siyam ang lamang ng host country pagpasok ng last quarter.
Sa last quarter ay doon na bumawi si Justin Brownlee mula sa hindi magandang panimula niya sa unang tatlong quarter at dito ay nagtala siya ng 5-0 run.
Naitala ni AJ Edu ang dunk at siyang nagkumpleto ng 7-0 run ng Gilas at naibaba ang kalamangan ng Qatar 66-65.
Sa mga huling minuto ng last quarter ay naipagana ng Gilas ang depensa hanggang makuha ang panalo.
Nanguna sa panalo ng Gilas si Dwight Ramos na nagtala ng 15 points habang si Fajardo ay mayroong 12 points, pitong rebounds at dalawang assists at mayroong 10 points namansi Brownlee.
Susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Lebanon ngayong Sabado ng alas-11 ng gabi.
Ang nasabing torneo ay isang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa huling window ng FIBA Asia Cup na gaganapin sa susunod na linggo.