-- Advertisements --
Nabigo ang Gilas Pilipinas sa kamay ng Lebanon 95-80 sa pagsisimula ng 2022 FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia.
Umabot pa sa 21 points ang naging kalamangan ng Lebanon hanggang nagtulungan ang Gilas squad sa pamamagitan nina SJ Belangel, Rhenz Abando at Carl Tamayo para mapababa sa siyam ang kalamangan ng Lebanon 74-83.
Subalit nagpatuloy pa rin ang Lebanon sa kanilang pagdomina ng laro.
Dahil sa talo ay tabla na ang Gilas sa India sa Group D na wala pang panalo at isang talo habang ang Lebanon at New Zealand ay kapwa mayroong isang panalo at walang talo.
Nasayang naman ang ginawang 17 points ni Belangel habang mayroon tig- 15 points sina Ray Parks at Tamayo.
Susunod na makakaharap ng Gilas ang India sa July 15 dakong alas-4 ng hapon.