-- Advertisements --

Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Bahrain 89-61 sa paghaharap nila sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Dominado ng Gilas ang laro kung saan pagpasok ng second quarter ay doon ibinuhos ang kalamangan.

Nanguna sa panalo ng Gilas si CJ Perez na mayroong 15 points.

Naging malaking tulong sa Gilas ang pag-apruba na makapaglaro sina Marcio Lassiter, Kevin Alas, Chris Ross, Perez at Arvin Tolentino.

Susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Thailand sa araw ng Huwebes.