Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei 106-53 sa unang window ng FIBA Asia Cup 2025 qualifiers na ginanap sa Philsport Arena.
Bumida sa panalo si Justin Brownlee na nagtala ng 26 points at 12 rebounds habang mayroong 18 points , 10 rebounds, limang assistis at tatlong blocks si Kai Sotto.
Dahil sa panalo ay parehas na nasa unang puwesto ng Group B ang New Zealand sa pagtatapos ng first window ng Asia qualifiers na may kapwa 2-0.
Magugunitang noong Pebrero 22 ay tinambakan rin ng Gilas ang Hong Kong 94-64 na siyang unang laro ni coach Tim Cone mula ng italaga bilang permanenteng Gilas Pilipinas coach.
Itutuloy ng Gilas ang Asia Cup qualifiers sa Nobyembre pero sa Hulyo ay sasabak sila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.