-- Advertisements --

Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong 93-54 para mapanatili ang walang katalo-talo sa 2nd window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Mula sa umpisa ay dominado ng Gilas Pilipinas ang laro kung saan ginamit ang tangkad nina Kai Sotto at Jun Mar Fajardo para mapalayo ang kalamangan ng Gilas.

Ito na ang huling laro ng Gilas sa bansa para sa window 2 at makuha ang 4-0 na bentahe sa Group B.

Dahil sa panalo ay tiyak na ang pagbabalik ng Gilas sa FIBA Asia Cup sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto.

Tanging si Dwight Ramos ang hindi nakapaglaro dahil sa calf injury.

Nanguna sa panalo ng Gilas si Carl Tamayo na nagtala ng 16 points, limang rebounds habang mayroong13 points, tatlong rebounds at tatlong assists naman si Justin Brownlee habang mayroong 12 points, 15 rebounds at dalawang blocks si Kai Sotto.

Susunod na laban ng Gilas ay sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Pebreo 20 laban sa Chinese Taipei at New Zealand sa Pebrero 23.