-- Advertisements --

Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong 94-64 sa unang laro nila para sa first window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Tsuen Wan Stadium.

Sa unang quarter ay mabagal ang pagsisimula ng Gilas 9-0 hanggang makahabaol ang Hong Kong sa second quarter.

Natapos ang first half 41-37 na lamang ang Gilas.

Pagpasok ng second half ay tuluyan ng umarangkada ang Gilas hanggang tuluyang tambakan ang Hong Kong.

Nanguna sa panalo ng Gilas si Justin Brownlee na mayroong 16 points, pitong rebounds at pitong assists habang mayroong 13 points at 15 rebounds si Kai Sotto at 15 points naman ang naitala ni Kevin Quiambao.

Susunod na makakaharap ng Gilas ang Chinese Taipei sa araw ng Linggo na gaganapin sa Philsport Arena.