-- Advertisements --
Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang host country na Indonesia 100-70 sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.
Pinangunahan ni Thirdy Ravena ang panalo na nagtala ng 23 points, walong rebounds at dalawang blocks para makuha ang unang panalo sa laro na ginanap sa Britama Arena sa Jakarta.
Nag-ambag naman ng 16 points si Roger Pogoy habang 11 points kay CJ Perez at tig-10 points sina Juan Gomez de Liano at Kiefer Ravena.
Magugunitang unang natalo ang Indonesia sa kamay ng South Korea nitong Huwebes 109-67.
Una na ring nakansela ang laban sana ng Gilas Pilipinas sa Thailand dahil sa banta ng novelcoronavirus.
Susunod naman na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Korea na kanilang nakaharap noong Nobyembre.