-- Advertisements --
Pasok na quarterfinals ng 19th Asian Games ang Gilas Pilipinas.
Ito ay matapos tambakan nila ang Qatar 80-41 sa laro na ginanap sa Zhejang University Stadium.
Nanguna si panalo si Beermen star June Mar Fajardo na nagtala ng 12 points at tatlong rebounds habang si CJ Perez ay mayroong 12 points at apat na rebounds.
Sa simula pa lamang ay dominado na ng Gilas ang laro kung saan sa first quarter ay tinambakan na nila ang Qatar 33-14 hanggang lumawak pa ang kanilang kalamangan sa 43 points.
Susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Iran para sa quarterfinals sa oras ng alas-12 ng tanghali.