Hindi pinahiya ng Gilas Pilipinas ang mga fans at supporters matapos tambakan nila ang Saudi Arabia 84-46 sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifieres.
Naging sulit ang panonood ng 19,829 crowds sa Mall of Asia Arena sa Pasay City matapos ang pagpapakitang gilas sa pangunguna ni Filipino-American NBA player na si Jordan Clarkson na nag-dunk at nagpaulan ng three points.
Nagtapos si Jordan ng 23 points, anim na rebounds at anim na assists.
Habang mayroong 16 na puntos at 13 rebounds si Kai Sotto at siyam na puntos ang naiambag ni Dwight Ramos.
Dahil sa panalo ay mayroon ng tatlong panalo at tatlong talo ang national basketball team ng bansa.
Ayon kay Clarkson, isang malaking karangalan aniya ang maglaro sa harap ng mga kababayan nito.
Kabilang sa mga nanood ng laro at sorpresang dumating sa kalagitnaan ng third quarter ay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.