Hindi sinayang ng mga nagbabalik mula sa Japan na sina Thirdy Ravena at Dwight Ramos nang kanilang pangunahan ang national team Gilas Pilipinas upang tambakan ang India, 88-64, sa ginaganap na FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Sina Ravena at Ramos ay kapwa naglalaro sa professional basketball bilang mga imports sa Japan B.League.
Sa unang laro ng Gilas nitong araw ng Biyernes ng gabi, kumamada si Ramos ng 17 points, four rebounds, at three assists, habang si Ravena naman ay nagpasok ng 15 points kasama na ang tatlong three pointers.
Sa first quarter pa lamang ay hindi na nagpaawat si Ramos na agad na nagbuslo ng pitong puntos.
Sa pagtatapos naman ng second quarter ay hawak na ng mga Pinoy ang laro sa 44-32 at umabanse pa ang Pilipinas sa 21 puntos para sa third quarter sa kabuuang 68-47.
Sa ngayon hawak na ng Gilas ang 2-0 record matapos ang mag-default ang South Korean team dahil sa kinapitan ng COVID-19 ang ilang players.
Kung maalala kahapon ay lumasap din ng talo ang India nang tambakan naman ng New Zealand.
Sa Linggo haharapin naman ng Pilipinas ang mas delikadong team ng New Zealand na pareho silang may tig-dalawang panalo na.
Narito pa ang ang individual scores:
Pilipinas 88 – Ramos 17, Ravena 15, Pogoy 12, Bolick 10, Montalbo 8, Navarro 6, Kouame 6, Erram 5, Williams 4, Gomez de Liaño 3, Rosario 2, Rangel 0
India 64 – Sekhon 14, Rawat 13, Bhriguvanshi 9, Krishnan 7, Hafeez 6, A.S. Singh6, P. Prince 5, P.S. Singh 4, M.B. Manjunatha 0, Kumar 0