Pasok na sa ikalawang round ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers ang Gilas Pilipinas matapos ang tuluyang pag-atras ng South Korea.
Sa pormal na inanunsiyo ng FIBA nitong Marso 4, isa ang Pilipinas sa siyam na koponan na kwalipikado na sa ikalawang round ng qualifiers.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 1-1 win-loss record ang Gilas makaraan ang second window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers nitong Pebrero.
Makakaharap pa nila ang New Zealand at India sa third window pagdating ng Pebrero.
Bukod sa Gilas ay tiyak na ang pagpasok na rin ng India at New Zealand sa second round na magsisimula sa Nobyembre.
Magugunitang umatras ang South Korea sa second window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ng ginanap sa Pilipinas matapos na ang ilang manlalaro nila ay dinapuan ng COVID-19.