-- Advertisements --
Iginugol ng Gilas Pilipinas sa ensayo ang natitirang araw bago ang pagsabak nila sa FIBA World Cup.
Naging kumpleto ang final 12 ng Gilas ang dumalo na binubuo nina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Gabe Norwood, Troy Rosario, RR Pogoy, Mark Barroca, Paul Lee, Kiefer Ravena, CJ Perez at Robert Bolick .
Bagamat hindi kasama sa listahan ng final 12 ay dumalo rin sa ensayo si Beau Belga bilang pagbibigay suporta sa national team habang nag-obserba lamang si Poy Erram dahil sa iniinda nitong injury.
Nakatakdang magtungo sa China ang national team para sa torneo na ang kanilang unang makakasagupa ay Italy sa August 31.