-- Advertisements --

Umangat ang FIBA ranking ng Pilipinas kahit na hindi magandang resulta ng mga laro nila sa katatapos na FIBA World Cup na ginanap sa bansa.

Sa pinakahuling ranking na inilabas ng FIBA ay nasa pang-38 na ang puwesto Gilas Pilipinas.

Bago kasi ang World Cup kung saan bukod sa Pilipinas ay kasama nila ang Indonesia at Japan ay nasa pang-40 ang puwesto ng Gilas.

Magugunitang nabigo ang Pilipinas sa group A stage games kontra Dominican Republic, Angola at Italy at maging sa classification phase kontra South Sudan.

Tinapos nila ang kampanya sa panalo kontra sa China 96-75 noong Setyembre 2.

Sa pinakahuling ranking ay mas mataas na ang Gilas Pilipinas laban sa South Korea na nasa pang-51 na hindi lumahok sa World Cup.