-- Advertisements --

Walang balak ang Gilas Pilipinas na magdagdag pa ng mga manlalaro para sa pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

Ayon kay Gilas coach Tim Cone na nagdesisyon ang koponan na hindi na nila papalitan pa si Scottie Thompson na nagtamo ng back injury.

Giit nito na kahit 11 ang kaniyang manlalaro ay hindi niya nakikita na kulang sila dahil hindi naman lahat ng mga manlalaro ay kaniyang gagamitin lahat.

Nasa walo hanggang siyam na manlalaro ang kaniyang ni-rorotate sa mga laro.

Magugunitang tinalo ng Gilas nitong gabi ng Lunes ang Taiwan Mustang 74-64 sa isang friendly game.

Magtutungo na sila sa Europe ang Gilas para sa dalawa pang friendly games laban sa Turkey at Poland bago ang pagsisimula ng Olympic Qualifying tournament na magsisimula sa Hulyo 2 hanggang 7.