-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ng Gilas Pilipinas Women sa 2024 William Jones Cup.

Ito ay matapos na talunin sila ng Chinese Taipei-A sa score na 82-66.

Sa simula pa lamang ay dominado na ng Chinese Taipei ang laro.

Dahil sa pagkatalo ay nasa pang-apat na puwesto na sa anim na koponan na lumahok kung saan mayroon silang dalawang panalo at tatlong talo.

Nasayang naman ang nagawang 19 points, apat na rebounds at dalawang assists si Naomi Panganiban habang mayroong 12 points at anim na rebounds si Afril Bernardino.