-- Advertisements --

Target ngayon ng Gilas Pilipinas women na magtagumpay sa Jones Cup na gaganapin sa Taiwan sa darating na Hulyo 13 hanggang 21.

Kasunod ito sa naging tagumpay ng women’s basketball team sa katatapos na FIBA U18 Asia Cup Division B sa Shenzhen, China.

Ayon kay program director Pat Aquino na bukod sa Jones Cup ay sasabak sila sa susunod FIBA World Cup pre-qualifiers na gaganapin sa Rwanda mula Agosto 19 hanggang 25.

Hindi rin nawawala ang focus nila na magtagumpay sa Southeast Asian Games sa 2025.