-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ng Gilas Pilipinas women’s team sa 42nd William Jones Cup.

Sa kanilang huling laro ay hindi sila nakaporma sa Japan 95-88 sa laro na ginanap sa Heping Basketball Gym sa Taipei.

Nanguna sa panalo ng Japan si Takanohashi Kimika na nagtala ng walong three-points na mayroong kabuuang 32 points.

Nasayang naman ang nagawang 19 points at 10 rebounds ni Jack Animan para sa Gilas Women.

Sa kabuuan ay mayroong isang panalo at apat na talo ang Gilas Women sa nasabing torneo.

Nakatuon ngayon ang pansin ng grupo sa nalalapit na Asian Games na gaganapin sa China sa buwan ng Setyembre.