-- Advertisements --
Laglag na ang Gilas Pilipinas Youth sa 2019 FIBA Under-19 World Cup matapos na tambakan sila ng Serbia 87-60.
Bumida sa panalo ng Serbia si Filip Petrusev na nagtala ng 17 points, walong rebounds at tatlong steals sa laro na ginanap sa Heraklion Indoor Sports Arena sa Greece.
Napababa pa ng Pilipinas sa 12 puntos ang lamang ng Serbia sa third quarter sa pamamagitan ni Kai Sotto.
Nasayang naman ang ginawang 18 points, tatlong rebounds at dalawang assists ni Dave Ildefonso habang mayroong 13 points, walong rebounds si Sotto at 12 points dalawang rebounds at dalawang assists si Gerry Abadiano.
Susunod naman na makakaharap ng Gilas Youth ang Australia para sa classification phase sa Biyernes.