Sinimulan na rin ng Gilas Pilipinas na pag-aralan ang mga laro ng players ng Italy na kanilang unang makakaharap sa August 31 sa Foshan, China.
Sinabi ni Gilas national coach Yeng Guiao, may mga defensive schemes silang ipapatupad at mga pagbabago sa kanilang game plans.
Iginiit din nito na ang kahalagahan ng pag-aaral ng kanilang makakalaban.
Tiniyak din nito ang kahandaan nila sa tune-up games sa Australia bago ang pagsisimula ng FIBA World Cup.
Ang Italy na merong NBA players na pang-14 sa rankings ng FIBA sa buong mundo habang nasa malayong ika-30 ang Pilipinas.
Kabilang sa NBA players ng Italy ay si Marco Belinelli ng Spurs at ang 6’8″ na si Danilo Gallinari ng Clippers.
Nagtungo na sa China ang advance party ng Gilas para obserbahan ang ilang laro ng makakalaban na koponan.
Pinangungunahan ito ni Gilas deputy coach Sandy Arespacochaga para sa scouting assignment.
Isa sa misyon nito ay ang panoorin ang mini-pocket tournament sa pagitan ng Serbia at Italy na gaganapin sa Foshan, China.
Dagdag pa ng deputy coach, mananatili ito sa China ng isang linggo at hihintayin na lamang ang pagdating ng national team.