-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro si Gilas Pilipinas player Carl Tamayo sa pagharap nila muli sa South Korea bukas araw ng Linggo dahil sa ankle injury.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin na nagtamo ng Grade 1 strain si Tamayo.

Kahit na hindi gaanong seryoso ay ramdam pa rin daw nito ang sakit.

Isa kasi si Tamayo na nagpanalo sa Gilas laban sa Korea nitong nakalipas na Miyerkules na mayroong 10 points.

At sa panalo naman nila sa Indonesia ay mayroon itong six points, apat na rebounds at dalawang assists.

Inaasahan na rin nito na magiging agresibo ang Korea sa rematch matapos ang masaklap na pagkatalo sa score na 81-78.