-- Advertisements --
Napiling maglalaro sa Taiwan si Gilas Pilipinas player Jordan Heading.
Inanunsiyo ng T1 League na napili ng koponang Taichun Suns si Heading.
Itinuturing ni Heading na pagbabalik sa nasabing bansa dahil nag-aral ito sa Morrison High School sa Taichung.
Ang Filipino-Australian guard ay unang naglaro sa Gilas Pilipinas noong Hunyo sa Fiba Asia Cup qualifiers.
Kabilang din siya para sa national team ng Olympic Qualifying Tournament sa Serbia.
Siya rin ang naging unang overall pick ng Terrafirma sa 2020 PBA Draft.
Ang 25-anyos na si Heading ay siyang pangatlong Filipino na maglalaro sa T1 League kasunod nina Jason Brickman at Caelan Tiongson.