-- Advertisements --
Hindi pa bumitaw ang De La Salles University matapos na makuha ang emosyonal na panalo 76-75 laban sa University of the Philippines sa best of three finals ng UAAP Season 87 men’s basketball.
Nanguna sa panalo si Kevin Quiambao kung saan naipasok niya ang kaniyang three-pointer sa natitirang dalawang minuto ng laro para madala ang 73-71 na kalamangan ng La Salle sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Matapos nito ay naipasok niya ang panibagong three points sa natitirang 1:30 ng laro 74-73 at para mabaligtad ang kalamangan ng 11 points ng UP.
Nagtalang 22 points at siyam na rebounds si Quiambao at naitabla sa 1-1 ang best of three finals.
Gaganapin naman sa araw ng Linggo sa Araneta Coliseum.