-- Advertisements --

Sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang kanilang ensayo para sa 30th Southeast Asian Games sa ilalim ng bago nilang head coach na si Tim Cone.

Dumalo sa ensayo nitong Lunes ng gabi sa Meralco Gym sa Pasig City ang lahat ng miyembro ng 15-man pool bukod kay June Mar Fajardo.

Kumpleto ang attendance ng anim na mga Barangay Ginebra players na sina LA Tenorio, Stanley Pringle, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Greg Slaughter, at Art Dela Cruz.

Naroon rin sa listahan sina Chris Ross, Marcio Lassiter, at Christian Standhardinger ng San Miguel; NT cagers Jayson Castro, RR Pogoy, Troy Rosario; Vic Manuel ng Alaska; at Matthew Wright ng Phoenix Pulse.

Bago ang ensayo, nagkaroon muna ng briefing si Cone sa mga miyembro ng national team.

Isinara naman sa mga kagawad ng media at sa mga fans ang training ng Gilas.

Paliwanag ni Cone, ito raw ay para makapagpokus ang koponan sa kanilang pagsasanay para sa regional showpiece.