-- Advertisements --
Kumpleto na ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas na dumalo sa ensayo bilang paghahanda para sa FIBA World Cup.
Ito ay matapos na sumabak na rin sa ensayo si Beermen June Mar Fajardo, KaTropa players Roger Pogoy at Troy Rosario.
Isinagawa ang tatlong oras na pagsasanay kung saan nagkaroon ng five-on-five game sa Meralco Gym.
Ikinatuwa naman ni Gilas coach Yeng Guiao ang pagiging kumpleto ng manlalaro sa unang pagkakataon.
Dagdag pa nito na mahalaga ang pagsama ng tatlong nabanggit na manlalaro para sila ay makahabol.
Simula din ngayong araw ay bibigyan niya sina Fajardo, Pogoy at Rosario ng 30-minute workout bago isagawa ang team practice.