Kasama na sina Kiefer Ravena at Christian Standhardinger sa listahan ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 30th Southeast Asian Games.
Ang nasabing mga manlalaro ay kasamang naianunsiyo ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone.
Kabilang ang dalawa na kukumpleto sa final roster ng Gilas na kinabibilangan nina June Mar Fajardo, Roger Pogoy, Troy Rosario, Japeth Aguilar, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Stanley Pringle, Chris Ross, LA Tenorio at Matthew Wright.
Magiging kapalit kasi ni Ravena si Jayson Castro na tinanggal sa listahan dahil sa tinamo nitong injury.
Itinalaga din bilang team adviser ng Gilas si Alfrancis Chua.
Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio na naging mahirap ang pagpili ng mga manlalaro.
Unang makakaharap ng Gilas ang Singapore sa December 4 na susundan ng Vietnam at Myanmar sa December 6 at 7.