-- Advertisements --

Malaki ang tiwala ng coaching staff ng Philippine men’s basketball team na may ibubuga ang isasabak nilang line-up kontra sa Indonesia para sa kanilang laro sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers.

Ayon kay Gilas Pilipinas interim coach Mark Dickel, hindi raw naging madali ang pagpili sa komposisyon ng team dahil marami silang bagay na ikinonsidera.

Paliwanag pa ni Dickel, magiging sandigan ng Pinoy cagers ang PBA players na kanilang napili, na aayudahan naman ng limang mga batang manlalaro.

“It was not an easy team to pick,” wika ni Dickel.

“We had numerous combinations that we could have gone with, and in a few positions, we felt like we had covered it with some young players so they had an advantage thinking towards the future.”

Kasama sa linya ang mga Gilas stalwarts na sina team captain Kiefer Ravena, kapatid nitong si Thirdy, CJ Perez, Poy Erram, Roger Pogoy, at Troy Rosario.

Mabibigyan din ng tsansa ang mga bagong salta na sina Abu Tratter, Justin Chua, Dwight Ramos, Isaac Go, Juan Gomez de Liaño, at Matt Nieto.

Sasalang sa dalawa pang practice ang Gilas bago lumipad pa-Indonesia sa Biyernes, bago ang kanilang game sa araw ng Linggo, Pebrero 23.