-- Advertisements --

Idaraos na sa Doha, Qatar ang mga laro ng Gilas Pilipinas para sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifier.

Kung maaalala, napilitan ang Pilipinas na umatras sa hosting ng mga laro ng Group A at C sa Clark, Pampanga dahil sa travel ban na ipinataw ng pamahalaan.

Ayon kay Al Panlilio, presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, hindi mababago ang petsa ng mga laro ng Pilipinas ngunit makikipag-ugnayan pa rin sila Qatar Basketball Federation para sa final schedule.

“We would have loved to host Groups A and C in Clark but things beyond our control made it necessary to adjust our plans and we thank everyone for their flexibility,” saad ni Panlilio sa isang pahayag.

“The games will be played within the same timeframe but we’ll be communicating with the Qatar Basketball Federation for the final schedule as there might be necessary adjustments since they are now hosting 12 teams,” dagdag nito.

Kasama ng Pilipinas sa Group A ang Korea, Thailand, at Indonesia.

Maliban sa Group A, sa Doha na rin gaganapin ang mga laro ng Group B na kinabibilangan naman ng Japan, China, Chinese Taipei, at Malaysia.

Nakatakda namang gawin ang huling window ng qualifiers mula Pebrero 17 hanggang 23.