All set na ang national basketball team Gilas Pilipinas upang depensahan ang korona sa gaganaping ika-39th edition ng William Jones Cup na magsisimula bukas sa Taiwan.
Kanina ay nagsagawa muna ng final practice ang koponan bago umalis ng bansa.
Binubuo ngayon ang team ng mas batang mga miyembro at isang import na si Mike Myers mula sa TNT-KaTropa team sa PBA.
Umaabot sa 17 lahat ang players ng Pilipinas pero 12 players lamang ang dapat gamitin sa bawat game.
Mabigat din ang laban ng Pilipinas sa Taiwan dahil sa sunod-sunod ang laro sa loob ng siyam na araw.
Unang sasabak ang mga Pinoy sa Sabado alas-3:00 ng hapon laban sa Canada, sa Linggo naman kontra sa team ng Chinese-Taipei Blue, sa Lunes sa isa pang Chinese-Taipei White team, sa Martes haharapin ang Japan at sa Miyerkules makikipagtuos ang Gilas sa South Korea.
Ang Pilipinas ang winningest team sa tournament na may limang korona.
Gilas Pilipinas roster:
-Mac Belo
-Carl Bryan Cruz
-Ed Daquioag
-Kevin Ferrer
-Fonzo Gotladera
-Jio Jalalon
-Raymar Jose
-Kobe Paras
-Bobby Ray Parks Jr.
-Von Pessumal
-Roger Pogoy
-Kiefer Ravena
-Christian Standhardinger
-Mike Tolomia
-Almond Vosotros
-Matthew Wright
-Mike Myers (import)