-- Advertisements --
Sinulit ng Gilas Pilipinas ang isang araw na pag-ensayo matapos na umatras ang South Korea sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Nitong Pebrero 24 sana ang unang laro ng Gilas laban sa Korea na gaganapin sa Araneta Coliseum subalit dahil sa hindi nila pagdalo ay nag-ensayo na lamang sila.
Sinabi ni Gilas coach Chot Reyes na nakahanda na sila sa anumang kalalabasan ng laban nila ngayong araw laban sa India.
Kahit na tinambakan ng New Zealand ang India 101-46 ay hindi nila mamaliitin ang India dahil sa matatangkad ang mga ito.
Matapos ang India ay susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Linggo.