-- Advertisements --
Hindi hahayaan ng Gilas Pilipinas na wala silang maipapanalo kahit na isa sa kanilang Group D sa nagpapatuloy ng FIBA World Cup na ginanap sa China.
Kasunod ito ng dalawang beses na magkasunod na pagkatalo na Italy at Serbia kagabi 127-67.
Susubukan ng national team na makuha ang panalo kontra Angola na kanilang makakaharap sa Miyerkules.
Ang Gilas at Angola kasi ay kapwa wala pang panalo sa Group D.
Pagkatapos ng laban ng dalawa ay magtutungo sa classification phase ng torneo para sa bottom 16 teams.