-- Advertisements --

Kuwestiyonable ngayon kung makakapaglaro pa sa 2021 FIBA Asia Cup si Rey Suerte matapos na magtamo ng ankle sprain injury habang ito nag-eensayo ang national team.

Isa lamang ang dating University of East na nasa injury list ng Gilas Pilipinas na una ay kinabibilangan nina Matt Nieto at Dave Ildefonso.

Posible ring hindi makapaglaro si Suerte sa nalalapit na FIBA Olympic Qualifying Tournament na magsisimula sa Hunyo 29 at Hulyo 4.

Ikinalungkot naman ni Gilas Program Director Tab Baldwin ang kawalan sa laro ni Suerte dahil siya ang team captain.

May average na 6.5 points, 2.0 rebounds at 2.5 assist si Suerte sa dalawang laro sa Asia Cup Qualifiers.

Umaasa si Baldwin na umangat ang paglalaro ng ibang mga Gilas PIlipinas players.