-- Advertisements --

Kulang umano sa kalidad ang Team Pilipinas na lumalahok ngayon sa FIBA Basketball World Cup sa China.

Ang naturang komentaryo ay ginawa ni Serbian coach Sasa Dordevic matapos na tambakan nila kagabi ang Gilas Pilipinas sa score na 126-67.

Pinuri naman ng coach ang angking bilis at balanse ng Gilas pero napansin daw niya na kulang ang mga ito sa kalidad.

Kung maalala walang pantapat ang mga Pinoy sa mga galaw ng 7-footer at NBA All-Star Nikola Jokic sa naturang one-sided game.

Nasa anim na NBA players meron ang No.4 ranked na powerhouse na Serbia, habang ang Pilipinas ay pang-31 sa buong mundo.

Samantala, sa ngayon magkakasya na lamang sa classification stage ang Gilas at haharapin bukas ng alas-3:30 ng hapon ang Angola sa huling laban nila sa Group D.