-- Advertisements --
Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Congo 102-80 sa isinagawa nilang closed door friendly game sa Spain.
Nagsama sina Andray Blatche at Japeth Aguilar sa panalo ng Gilas na nagtala ng pinagsamang 47 points.
Mula sa unang quarter ay hawak na ng Gilas ang kalamangan na nagtapos sa 32-19.
Bumaba ng 53-44 ang lamang ng Gilas sa pagtatapos ng halftime.
Makakaharap naman ng Gilas mamayang Miyerkules ng gabi ang Ivory Coast.