-- Advertisements --
FIBA OQT
FIBA OQT

Tuluyan ng hindi nakasama sa wild card slot ng Olympic Qualifying Tournament ang Gilas Pilipinas matapos na ilabas ng FIBA ang 24 koponan na makakasama sa nasabing torneo.

Bagamat nasa pang-31 ang Gilas Pilipinas ay naungusan ito ng South Korea na nasa pang-30 matapos ang Olympic Qualifying Tournament slot matapos ang World Cup sa China.

Wala kasing naipanalo ni isa ang Pilipinas sa limang laro habang mayroong isang panalo at apat na talo ang South Korea.

Sa listahan ng FIBA na tiyak na para sa Tokyo 2020 Olympics ay Argentina, Australia, Spain, France, Iran, Japan, Nigeria at USA.

Habang mayroong 24 koponan ang kumpirmado para sa Olympic Qualifying tournaments.

Sa African Region ay binubuo ng Angola, Senegal at Tunisia habang sa Asia ay pinangungunahan ng China, Korea at New Zealand.

Sa American Region naman ay binubuo ng Brazil, Canada, Dominican Republc, Mexico, Purtugal, Uruguay at Venezuela.

Nanguna naman ang Italy sa Europe na sinundan ng Greece, Croatia, Czech Republic, Germany, Lituania, Poland, Russia, Slovania at Serbia.