Natapos na ang kampanya ng Gilas Pilpinas Women sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup group phase ng walang panalo.
Nakalasap kasi ang national basketbal team ng bansa ng ikatlong pagkatalo sa kamay ng Chinese Taipei 93-52 sa laro na ginanap sa Amman, Jordan.
Nasayang ang ginawang 24 points, 14 rebounds, tatlong assists at dalawang steals ni Afril Bernardino.
Bumandera ang opensiba ng Chinese Taipei sa pagtatapos ng first half 45-30.
Hanggang sa pagpasok ng third quarter ay nagtuloy-tuloy ang pag-arangkada nila.
Magugunitang unang natalo ang Gilas Womens sa China 143-52 at sa Australia 120-56 sa Group B na mayroong kabuuang 0-3 bentahe.
Susunod na makakalaban ng Gilas Womens ang India para sa ikapitong puwesto.
Nasa huling puwesto kasi ang India sa Group B.