Kumpiyansa pa rin ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa magiging kampanya ng Gilas women’s basketball team kahit napabilang sa tinaguriang group of death sa magaganap na FIBA Women’s Asia Cup sa Bangalore, India mula Setyember 24 hanggang 29, 2019.
Sinasabing masyadong mabigat ang haharaping pasubok ng mga Pinay makaraang mapunta sa mga mabibigat din na kalaban tulad ng Australia, China at New Zealand.
Para naman sa ilang mga bansa, pagkakataon ngayon ng women power na itaas ang bandila ng Pilipinas matapos ang nakakdimayang performance ng Gilas Pilipinas men sa ginanap na FIBA World Cup sa China.
Una na ring ipinagmalaki ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio ang women’s team dahil sa malaking pagbabago sa inilalaro.
Kaya naman sasali na sasali raw sa maraming torneyo ang koponan para mahasa ng husto.
Sa buwena manong game ng Pilipinas sa opening day sa September 24 ay agad nitong makakaharap ang Australian squad sa Group B match.
Sunod na haharapin ng mga Pinay ang China sa September 25 dakong alas-5:45 ng hapon.
Habang sa huling group stage match ay makikipagtuos ang Gilas women sa New Zealand sa laro ng ala-1:15 ng hapon sa Setyember 26.
SBP @officialSBPinc
“It’s time for our #GilasPilipinas Womens Team to make us proud at the 2019 FIBA Womens Asia Cup in India!”
Ang mga miyembro ng team sa ilalim ng head coach na si Patrick Aquino ay kinabibilngan ng US NCAA Division 1 player Kelli Hayes, na dating naglaroon sa UCLA Bruins sa Amerika at sina Jack Danielle Animam, Afril Bernardino, Janine Pontejos, Ana Alicia Castillo, Eunique Chan, Gemma Miranda, France Mae Cabinbin, Danica Jose, Bea Daez, Andrea Tongco, at Ria Joy Nabalan.