-- Advertisements --
joshreyes

Nagtapos ang kampanya ng Gilas Youth sa semifinals match ng Fiba U16 Asian Championship matapos mapabagsak ng Australia 36-92 na ginanap sa Doha, Qatar.

Dominado ng Australia ang buong laro kung saan umabot pa ng hanggang 60 puntos ang lamang.

Nakagawa ng kabuuang 10 puntos ang Gilas boys sa first half. Tatlong puntos lang ang naitala nila sa second quarter.

Sina Irus Chua at CJ Amos ay umiskor ng tig-anim para sa Gilas youth ang pinakamataas na output sa lahat ng mga manlalaro na inilagay ni head coach Josh Reyes.

Sa kabila ng talo, may tsansa pa rin ang Gilas na masungkit ang bronze medal dahil makakaharap nila ang China para sa ikatlo.

Kamakailan ay gumawa ng kasaysayan ang mga kabataan sa kanilang pag-qualify sa FIBA U17 World Cup na gaganapin sa Turkiye sa susunod na taon.